Huwebes, Hunyo 22, 2017

Inaasahang Katangian ng Pangulo ng Pilipinas



 Inaasahang Katangian ng Pangulo ng Pilipinas.



                     Unang una po sa lahat magandang araw pos a mangbabasa. Ang una po naming inaasahan sa pangulo ng pilipinas ay matutupad nya lahat ng pinangako nya sa buong pilipinas na uubusin nya ang mga adik sa buong pilipinas dahil halos lahat ng krimen mga adik ng mga nagawa nito. Inaasahan rin namin na magagampanan nya ang kanyang position kahit madaming nangyayare sa pilipinas ngayon at inaasahan rin naming na maayos na ang kaguluhan sa marawi para maitigil na ang gulo dito sa pilipinas. Sa aming pananaw hindi lang dapat ang pangulo ang nagdedesisyon dahil kung magdedesisyon tayo tapos hindi rin naman tayo marunong sumunod masasayang lang ang isang desisyon, dapat marunong tayong sumunod, making, at umunawa. 

                     Ang pagkakaroon ng namumuno sa isang pangkat, bayan o imperyo ay napakahalaga. Kung walang pinuno na mangunguna o mangangasiwa upang mahubog ang isang pangkat, imperyo o lipunan ng tao, ang pangkat na iyon ay maaaring walang patutunguhan. Ang kalagayan ng mga mamamayan o ng lipunan ay nakasalalay sa siyang namumuno.
Ang mga pinuno o ang pagiging pinuno ay hindi lamang basta-basta. Ang isang lipunan o pangkat ng tao ay hindi din maaayos kung ang namumuno rito ay hindi tinataglay ang siyang mga nararapat na taglaying katangian ng isang mahusay na pinuno. Ang isang mahusay na pinuno ay dapat taglayin ang mga sumusunod na katangian upang makamit ang tagumpay, katiwasayan at kapayapan sa nasasakupan.
Ang isang mahusay na pinuno ay dapat marunong rumespeto sa iba't ibang paniniwalang panrelihiyon ng mga mamamayan na kanyang nasasakupan. Sa aming opinyon, mas magkakaroon ng kapayapaan ang isang lipunan kung lahat ay marunong rumespeto sa paniniwala ng iba. Ang isang pinuno ay hangga't maaari ay hayaan niya ang pananampalataya ng iba. 

                     Ang mahusay na pinuno ay mapagmahal at tagapagtaguyod sa pagpapaunlad ng sariling wika, mga tradisyon, mga sining at kultura. 
Isa pa ito sa katangiang dapat taglayin ng isang pinuno spagkat ang mahusay na pinuno ay mayroong mabuting puso at minamahal ang kanyang nasaaskupan. Kapag mahl ng pinuno ang kanyang nasasakupan, gagawin niya ang lahat ng maaari niyng magawa para sa kanyng nasasakupan. Ang pinuno din dapat ang magtaguyod sa pagpapaunlad ng sariling wika, mga tradisyon, sining at kultura sapagkat ang mga pinuno ang modelo o mabuting halimbawa ng kanyang nasasakupan. Siya dapat ang nangunguna sa pagpapaunlad pagdating sa kanyang sariling kultura, wika, tradisyon, at kultura.











1 komento:

  1. daftabet | T&C's T&Cs Apply - Thauberbet
    T&Cs apply for a free bet. Your T&Cs Apply. T&Cs apply for the welcome offer at T&C's T&Cs dafabet Apply. T&Cs apply for the free bet 1xbet in T&C's 바카라 T&Cs Apply. T&Cs apply for the

    TumugonBurahin